96263View
1m 12sLenght
85Rating

Magsasaka, pinatay ay kinain ng isa sa sarili niyang mga baboy! Isang pig farmer sa southern China ang namatay noong Lunes, matapos kagatin at kainin ng isa sa alaga niyang baboy ang parte ng kanyang hita. Iilan sa inyo ang nakapanood sa pelikulang Hannibal noong 2001, at hindi naniwala sa konsepto ng mga baboy na kumakain ng tao. Magbabago ang isip niyo matapos pakinggan ang kuwentong ito. Ang 60-year-old na magsasakang ito ay sanay na sanay na sa mga baboy, at noong Lunes ng hapon ay inayos niya ang isang nasirang parte ng pigpen sa kanyang farm sa Guangzhou. Habang nagtatrabaho siya, isa sa mga baboy ang umatake sa kanya, at nasaktan ang kanyang hita. Nagawa niyang gumapang nang sandali, pero nawalan siya ng malay sa kawalan ng dugo. Makalipas ang isang oras, ay nakita siya ng kanyang asawa. Sa sobrang daming dugo na nawala sa kanyang katawan, ay namatay ang magsasaka. Nagulat ang mga doktor nang nakita nilang nawawala ang malaking parte ng kanyang kaliwang hita – nalaman nila na nakagat at nakain ito ng isang lalaking baboy, na umatake sa kanya. Ayon sa mga experts, ang mga lalaking baboy ay mas higit na agresibo at territorial kumpara sa mga babae, at minsan, kapag nakakaharap nila ang ibang lalaking baboy, ay nag-aaway sila. For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH