1604View
6m 13sLenght
1Rating

Goin' Bananas! Bilang "Banana Capital of the Philippines ", kung ano-anong panghimagas na mula sa saging ang matitikman ngayon sa Davao City . Nariyan ang ginanggang, maruya na may chocolate syrup, Banana Dream Piechips, Banana Cobbler, Banana Croissant Pudding, Bananapuccino at Banana Boat Shake! Makabago man na ang mga banana dessert, matitikman pa rin sa Tagum ang all-time favorite na banana que! Sa dami nga ng banana que vendor dito, nagkaroon pa sila ng asosasyon! May mga bagong specie na rin daw ng saging ang matatagpuan dito sa Pilipinas, katulad ng Thousand Fingers! At narinig nyo na rin ba ang Baklang Saba? Eh naiintriga ba naman kayo sa lasa ng Dinuguang Saba?! OPM (Oplan: Pinoy Music) Kamakailan lang, ipinag-utos ni PNOY ang pagpapatupad ng batas na nag-uutos sa mga FM station na dapat magpatugtog ng apat na OPM (Original Pilipino Music) kada oras. Sa ganitong paraan daw mabibigyan muli ng importansya ang sarili nating musika at hindi lang ang awitin ng mga banyaga. Ang hakbang na ito, suportado ng bagong pinuno ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit na si Ogie Alcasid. Para naman sa iba, may ilan naman daw pilit na ginagawang buhay ang music industry dito sa Pilipinas, kagaya na lang ng sumisikat ngayong P-POP o Pinoy Pop. Pero may ilang kumukwestyon kung paano ba talaga nakakatulong ang P-POP sa OPM gayung diumano, ginagaya lang daw nito ang K-POP ng mga Koreano. Ang estado ng "Himig Natin" sabay-sabay nating pakinggan ngayong Sabado ng gabi. Farms Ville Madalas, sa siyudad naghahanap ng magandang kapalaran ang ating mga kababayan. Ang hindi natin namamalayan, sa mga iniwan nating lupa sa probinsya, pwede tayong kumita --- sa pagpapanatili ng mga farm! Si Denrick, sa halip na taniman ng halaman ang halos 5000 hektaryang lupain niya sa Bulacan, ginawa niya itong pugad ng mga pugo na nakapangingitlog ng libo-libo araw-araw. Sa Biliran naman, ang damong citronella ang pinararami at pinagkukunan nila ng ikabubuhay. Ang mga Kabalen naman natin sa Pampanga, abalang-abala sa pag-aalaga ng tiger prawn o sugpo sa mga likod-bahay ng kanilang mga palaisdaan. Ngayong Sabado, alamin kung paanong sa ating mga "farm" pwede tayong yumaman! 25 Years of Jessica Soho: Reunion Stories Maliban sa paghahatid ng pinakamahahalagang balita at istorya sa bansa, tumatak rin sa karera ni Jessica Soho, ang kanyang misyon --- ang pagbuklurin ang bawat pamilyang Pilipino. Ito ay sa pamamagitan ng kanyang programa sa QTV na Sana'y Muling Makapiling na kalauna'y naging Reunions . Sa palatuntunang ito, pinagtatagpo ang mga magkakamag-anak na pinaglayo ng tadhana, na kalimitan umaabot pa ng ilang dekada. Pero ang hindi lubos akalain ni Jessica na darating ang panahong siya mismo, hahanapin niya ang mga kamag-anak niya sa China , kung saan ang tangi lang niyang dala --- isang lumang larawan ng kanyang Lolo Mok.