4621View
1m 26sLenght
3Rating

Cockroach Farming: lumalaking negosyo sa China! Chinese na babae, nagbi-breed ng isang daang libong ipis! Weird job of the day: Babae sa China, may cockroach farm -- nagpapalaki siya ng mga ipis, at binebenta ang mga ito bilang traditional Chinese medicine! Si Yuan Mei-xia ay magaling kumita. Nagta-trabaho na siya sa isang pharmacy, pero mayroon din siyang sariling negosyo. Noong isang taon, ay sinimulan ni Yuan ang kanyang cockroach farm. Nagpapalaki siya ng mga ipis, na kanyang nilulunod, pinapatuyo, at binebenta bilang traditional Chinese medicine! Ang 37-year-old na si Yuan ay naninirahan sa Guangdong, China. Nasa isang abandoned house ang kanyang mga alagang ipis. Ang mga ipis -- na nasa isang daang libo ang bilang -- ay itinuturing niyang mga anak, at mahilig daw ang mga ito sa melon at mansanas. Ang cockroach farming pala ay isang booming na negosyo sa China. Ayon sa LA Times, noong isang taon ay may isang daang cockroach farms sa China. Matapos lunurin ang mga ito, ay maari silang ibentang buo, o powdered. Kumikita ang negosyong ito dahil ang mga ipis ay maaring mabuhay sa mga malubhang kapaligiran, kung saan kaya pa nilang magdagdag sa kanilang lahi. Ayon kay Yuan, ang mga tuyong ipis ay maaring kainin para sa kanilang mga anti-cancer properties. Maari rin silang gamitin sa mga cosmetics, bilang mumurahing klaseng protina. Binebenta ang mga ito sa halagang 72 USD kada kilo. Ano kaya ang lasa nito?! For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH